Friday, June 10, 2011

Sineskwela


Sineskwela

Sineskwela

Sine’skwela, the first Educational Television show of the ABS-CBN Foundation aired in June 1994. The show explains scientific concepts by using situations that are familiar and easy to relate to, in an effort to make the lessons more interesting and comprehensible for students. The show also use attractive illustrations , catchy songs and characters like Agatom, Anatom and “Buknoy the flying Jeepney” to make the program more appealing to the young audiences.

View Image

Sila bale yung mga bumubuo na mga characters sa sineskwela na sina Christine Bersola bilang si Anatom,

Brenan Espartinez bilang si Agatom, Sheena Ramos bilang si Palikpik, Frederico Gonzales bilang si Bok, Giselle Sanchez bilang si Ate Giselle, Winnie Cordero bilang si Ate Winnie, at syempre hindi rin mawawala dyan sila Kulisap at Ugat Puno "hindi ko alam true name nila eh" at si “Buknoy the flying Jeepney”. Naalala ko pa ito napanood ko ito when I was in grade 4 yata nun eh. Palagi ko ito nasusubaybayan kasi palaging pasok ko nun sa school ay panghapon eh. Every week days ito pinapalabas i think 9:30AM. naggagayak na ako nun ng mga gamit ko sa school pag napapanood ko ito; at minsan kumakain na ako nun; na habang kumakain ako pinapanood ko ang sineskwela. And the nakaready na ako ng 11AM sa bahay hinihintay ang service ko. Dahil sa marami kaming mga estudyante nun na sumasakay sa service at sinusundo sa kani-kanilang bahay or minsan pumupunta sa hintayan ng service namin na tricycle kaya't pagdating ng 11AM dapat nakaready na ako dahil kung hindi; hindi na kami hihintayin ng service namin or else paghinintay naman kami ng service namin yung iba sa amin ay nalalate na pagdating sa school.. 12PM kasi ang pasok namin eh kaya dapat before 12PM nasa loob na kami ng campus namin or else sasaraduhan kami ng gate then ililista ang name namin sa list of late na logbook sa school "3 late will be equivalent for 1 absent" yun ang rules sa school namin noong nasa grade school pa ako.

Marami din kayo matututunan sa sineskwela like pagdating sa siyensya like na lamang sa pag eexperiment. Naalala ko pa nga nun pag science class namin yung mga tinuturo sa sineskwela yung topic namin pagdating sa science class namin sa school. Naalala ko pa nun si Ugat Puno ang cute cute.. hahahaha.. at ang kulit kulit.. Then mas gusto ko pa nun dun si Palikpik kaysa kay Kulisap ang cute nya kasi tingan sa costume eh. Gusto ko nga palaging magkasama sila Agatom at Palikpik gusto ko sila magkaloveteam sa sineskwela.. hahahaha.. Ayoko kay Kulisap.. Kaso si Kulisap ang palagi nyang kasama eh.. hahahaha.. wala tayong magagawa dun.. Yun ang gusto ng director.. hahahaha.. Ang cute din dun ni Bok gusto ko naman sila ni Anatom ang palaging magkasama sa eksena. Palagi ko nga kinakanta yung sineskwela hymn nila eh lalong lao na yung lyrics na ito:

"
Tayo na sa Sineskwela, tuklasin natin ang siyensiya. Buksan ang pag-iisip. Tayo’y likas na scientists."

nasaan na kaya yung mga cast ng sineskwela like sila KULISAP?? AGATOM?? nag singer na yata sila sa GMA eh.. balibalita lang.. hahaha... pero ewan ko talaga at hindi ko alam kung nasaan na sila. kasi ABS ang palagi kong napapanood eh. bihira lang ako manood sa GMA. at si BOK at PALIKPIK where narin kaya?? huhuhuhuhu.. Sila ANATOM, ATE WINNIE, at ATE GISELLE lang yung napapanood ko sa ABS eh.. Si ANATOM asawa na nya si Julius Babao huli nyang show sa ABS ay ang Umagang Kay Ganda then minsan din sa mga patalastas like na lamang yung sa Diaper with her older daughter. Then si ATE WINNIE naman nasa

Umagang Kay Ganda ng ABS CBN parin sya up to now. Then si ATE GISELLE naman minsan may mga show din sya sa ABS CBN at commericial; last nyang show ay yung MANA PO ng MELASON; last year 2010 pa pinalabas.



Sineskwela - Theme Song (Lyrics)


Sineskwela

Bawat bata may tanong
ba't ganito? ba't ganon?
hayaang buksan ang isipan
sa science o agham!

tayo na
sa sineskwela
tuklasin natin ang siyensya
buksan na ang pag-iisip
tayo'y likas na scientist

kaya't habang maaga
mag aral ng siyensya
sa teknolohiya ang buhay ay gaganda

tayo na
sa sineskwela
tuklasin natin ang siyensya
buksan na ang pag-iisip
tayo'y likas na scientist

tayo na
sa sineskwela
tuklasin natin ang siyensya
kinabukasan ng ating bayan
siguradong makakamtan

Sa sineskwela tuklasin natin ang syensya
daigdig ay sasaya salamat sa siyensya...

No comments: